“Beep, Vroom, Eow”, Iyana ng mga tunog na araw-araw na naririnig ni Liham. Bukod sa golf, basketball, at archery nakahiligan rin ni Liham ang pag susulat ng mga tula, nobela, at mga storya. Laking kahirapan si Liham tanging ang kaniyang ama na lamang ang kaniyang kasama, sa kabilang banda ang kaniyang ina ay pumanaw sa sakit noonmg dalawang taong gulang palamang siya tila pinag sakluban ng langit at lupa.
Sa araw- araw na ginawa ng diyos makakakita sa tv at makakarinig ka sa radio ng, patayan, nakawan, at iba pang mga panlipunang usapin. Ang mga tula at istoryang kaniyang sinulat ay patungkol sa mga isyung ito. Ginagamit niya ang kaniyang kakayahang namana sakaniyang ina at ito ay ang pag sususlat. Ginagamit niya ito upang maging isang tagapagmulat mata sa mga nangyayare sa lipunan. Ngunit sa kadahilanan na ang kaniyang tatay ay isang drig pusher pilit na pinipigilan nito ang mag sulat. Ito ang nagging isang malaking hadlang upang matupad ang kaniyang pangarap na maging isang bayani na imumulat ang mga mata ng bawat isa at ang maging isang boses ng lahat ng tao. Bukod doon intensiyon din niya ang ipalaganap ang pagtrato ng pantay pantay sa lahat ng tao.
Ang sabi nila : Pag gusto maraming paraan, Pag ayaw maraming dahilan” . Sa kadahilnang drug pusher ang ama ni Liham, At tanging silang dalawa nalamang ang magka tuwang sa buhay, minsan ay dumadating na sa puntong huminto at itinigil ni Liham ang kaniyang talent sap ag susulat.
Isang araw, may isang lalake na kumatok sakanilang pinto, tila dininig ng panginoon ang matagal na hinihintay na sagot ni Liham. “ Magandang araw po nariyan po ba si Liham?” ang sabi ng lalaki sa ama ni Liham. “Pasensiya na ngunit wala ngayon sa bahay ang aking anak” ang sabi ng tatay ni Liham. Narinig ni Liham ang sagot ng kaniyang ama sa lalaki. Dali- dali siyang tumakbo papunta sa pinto upang makausap ang lalaki. Napag usapan nila ang talentong meron si liham. “Nabasa ko lahat ng mga kwento, tula, at mga artikulong iyong isinulat” Manghang mangha ang lalaki. Hinikayat ng lalaki ang binate na mag aral sa isang popular na unibersidad sa pilipinas kapalit ng pag susulat ng balita sa isang publikasyon. Hindi dali- daling tinanggap ni Liham ang alok ng lalaki sa kadahilanang kaniyang naisip na ang paano ang kaniyang ama. Nag iwan na lamang ng tarheta na kung sakaling mag bago ang isip ng binate. Lumipas ang mga oras, araw at panahon maiging pinag isipan ni Liham kung ano ba talagha ang kaniyang gusto. Kung tatangapin niya ang alok ng lalaki, napapaisip siya na kung sakaling tangapin niya ito maiiwan mag isa ang kaniyang ama at may posibilidad na malulong sa mundo ng droga. Kung tatanggapin niya ang alok masusunod ang kaniyang pangarap na makapag tapos at makapag sulat paras sa kaniyang pinaka mamahala na bayan. “ Mapag palang araw po, tinatanggap ko na [po ang alok ninyo” iyan ang mga salitang binitawan ni Liham. Gabing bilog ang buwan ng mag tapat si Liham sa kaniyang ama. Napatayo na lamang sa silya ang kaniyang ama at sinampal nito ng pagka lakas si Liham, Nag bitaw ito ng masasakit na salita. Datapwat buo na ang loob ni Liham na sundin ang kaniyang gusto, na sundin ang nilalaman ng kaniyang isip at puso. Inisip nito na gagawin niya ito para sa bayan at para sa kaniyang ama upang maiahon ang mga paa sa hukay ng kahirapan.
Lumipas ang ilanmg buwan at wala paring paramdam ang tatay ni Liham. Walang balita ang nakararating sa kaniya kung ayos lang ba ng kaniyang ama. Sa kabilang palad malapit na ang pag tatapos ni Liham sa kaniyang kinuhang kurso na journalismo. Nagpa dala ng sulat si Liham sa kaniyang ama na ang graduation ay magaganap sa loob ng tatlong araw. Dumating ang araw na pinakahihintay ni Liham, ang kaniyang pag tatapos. Lumilipat ang Segundo, minuto, at oras ngunit hindi parin dumarating ang kaniyang tatay. “Sentraveda, Liham” tinawag na si Liham sa entablado upang tanggapin ang mga medalya at diploma sa simbolo ng kaniyang pag tatatpos. Sa hindi inaasahang pangyayari, Sumulpot at dumating ang kaniyang ama. Tumulo ang mga masasayang luha ni Liham habang sinsasalubong ang kaniyang ama. Pagka tapos ng programa nag usap ang mag ama ukol sa mga pamngarap ni Liham. Huminto na din sa pag tutulak ng droga ang kaniyang ama. Ngunit huli nap ala ang lahat dahil may sakit at binigyan na ng doctor ng taning ang kaniyang ama. “ Anak, gawin moa ng makapag papasaya saiyo. At paka tatandaan mon a mahal na mahal kita at palagi lang akong nasatabi mo”. Iyang ang mga huling salitang narinig ni Liham sa kaniyang Ama.



























